Spraying, misting wag gamitin sa mga deboto ng Itim na Nazareno

NANAWAGAN ang EcoWaste Coalition sa Quiapo Church na huwag isprayan ng chemical disinfectant ang mga deboto ng Itim na Nazareno.

Ayon sa EcoWaste hindi inirerekomenda ng mga health expert ang misting o spraying ng disinfectant sa tao dahil sa implikasyon nito sa kalusugan.

“We fully appreciate the safety protocols being implemented by the church with the help of the Hijos del Nuestro Padre Jesus Nazareno to cut the spread of the novel coronavirus disease (COVID-19) during worship activities,” ani Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng EcoWaste.

Malinaw umano na hindi napapatay ng misting o spraying ang virus na nasa loob ng katawan ng tao at maaaring lumala pa ang kondisyon ng isang tao dahil dito.

Hindi inirerekomenda ng World Health Organization at Department of Health ang paraang ito ng pagpatay sa virus.

“Based on literature, commonly used chemical disinfectants such as hypochlorite are irritant to the skin and the mucous membrane (eyes, nose, and throat). It may also have adverse health effects when inhaled in an enclosed environment,” saad ng DoH.

“Pending additional studies on demonstrating safety and efficacy, the use of disinfection tents, misting chambers, or sanitation booths for individuals without full PPE shall not be allowed,” saad ng DOH Memorandum 2020-0157 na ipinalabas noong Abril 10.

Nagpalabas din ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng advisory sa mga local government units (LGUs) upang ipagbawal ang paggamit ng disinfection tents, misting chambers o sanitation booths para sa mga tao na walang suot na personal protective equipment.

Read more...