Residential-commercial building nasunog

DALAWANG bahay sa isang residential-commercial building ang nasunog sa Quezon City kanina.

Nagsimula ang sunog ala-1:52 ng umaga sa No 10 Sampaguita st., Gloria 5 Subd., Brgy. Talipapa na pagmamay-ari ni Alma Suerte, 50, at inuupahan ni

Abe Cuadra.

Agad na rumesponde ang mga bumbero sa lugar at naapula ang sunog alas-2:43 ng umaga.

Walang napaulat na nasawi sa insidente. Inaalam pa ang sanhi ng sunog.

Read more...