Heart handa nang magpaulan ng swerte; 550 tablets ipamimigay sa estudyante

SIGURADONG excited na ngayon ang mga nagpadala ng mensahe kay Heart Evangelista na umaasang mabibigyan ng tablet para magamit sa kanilang online classes.

Ipinost kasi ng Kapuso actress sa kanyang Instagram ang kahun-kahong tablet na ipamimigay niya nang libre sa mapipili niyang mga estudyante na walang budget para maipambili ng gadgets na kakailanganin sa pagbabalik nila sa eskwela.

Bahagi kasi ito ng magiging online classes para sa new normal ng academic system. 

Kahapon, masayang ibinalita ni Heart na natanggap na niya ang first batch ng inorder niyang tablets para sa mahihirap na estudyante na hindi kayang bumili ng gadgets.

“Worth 550 tablets to kids and students who need it the most,” caption ni Heart sa kanyang IG post kung saan makikita nga ang ilang kahong naglalaman ng tablets.

Ngunit sa kabila nga ng ginagawang pagtulong ng aktres sa mga nangangailangan, may mga tao pa ring puro kanegahan ang nakikita sa kanilang kapwa.

Tulad na lang ng isang basher na nag-comment sa kanya ng, “Your hashtags and posts are so problematic. The ‘new normal’ our country is facing is not your normal.

“Wake up, Heart. You have the platform, power and position to do something relevant and different for people.

“Your clothes, coiffed hair, and expensive jewelry don’t reflect the realities of what we’re all facing right now. It’s distasteful and out of touch.

“And I certainly hope you don’t intend to keep these as your ‘new normal.’ Wake up.”

Ni-retweet ito ni Heart kalakip ang mensaheng, “You have caused me so much sadness. I honestly don’t know what to do about myself. Two days you’ve been at it. I express myself through my art and fashion.

“I have not done anything wrong. Using my image to create hate is wrong. Still, I will wish you well.”

Read more...