5,369 na OFW na nahawa ng COVID

UMAKYAT na sa 5,369 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019.

Ayon sa Department of Foreign Affairs tumaas ito ng walo kumpara kahapon.

Dalawa naman ang nadagdag sa mga nasawi. Ang mga ito ay nagtatrabaho sa Middle East. May kabuuang bilang na itong 363.

Sa Amerika pa rin ang may pinakamaraming OFW na nasawi (152) na sinundan ng Middle East (118).

Ang mga gumaling naman ay nadagdagan ng 13 o kabuuang 2,225 na.

Read more...