Salon, barbershop bubuksan na sa Valenzuela City pero gupit lang ang pwede
BUKAS ay magbubukas na ang mga salon at barbershop sa Valenzuela City.
Pero ipinaalala ng city government na limitado lamang sa gupit ang serbisyong maaari nitong ibibigay.
Paalala pa ng Valenzuela city government limitado lamang sa 30 porsyento ng operational capacity ang papayagan.
Kailangan ding nakasuot ng facemask sa lahat ng oras.
Dapat ding magkaroon ng thermal scanner, foot bath na may disinfectant, alkohol. Kailangan din umanong magkaroon ng health checklist at logbook na magiging talaan ng mga papasok.
Mahalaga rin na ma-disinfect ang mga gamit at pinayuhan ang mga kustomer na magdala ng sariling vanity kit.
Dapat din umanong magtalaga ng magpapatupad ng social distancing at maglagay ng mga palatandaan sa sahig.
Kung maaari ay maglagay umano ng protective barrier sa reception area para maiwasan ang direct contact ng kliyente at empleyado.
“Magpatupad ng alternatibong paraan ng pagbabayad upang maiwasan ang physical contact.”
Maaari ring magpatupad ng shifting o skeleton workforce para hindi sabay-sabay ang pasok ng mga empleyado.
Para maiwasan ang pagdagsa ng mga kustomer, maganda umano kung magkakaroon ng schedule o appointment sa pagpunta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.