4 kawal, 2 Abu patay sa bakbakan

APAT na kawal at dalawang kasapi ng Abu Sayyaf ang napatay nang makasagupa ng mga tropa ng pamahalaan ang bandidong grupo sa Patikul, Sulu, ayon sa militar.

Bukod sa mga nasawi’y may 17 pang miyembro ng Army 6th Special Forces Battalion na nasugatan, sabi ni Maj. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command.

Nagsagawa ng combat operation ang 6th SFB sa Sitio Lagaron, Brgy. Kan-Ague, alas-8:20 ng umaga kahapon, nang makasagupa ang aabot sa 40 bandido.

Tumagal nang 40 minuto ang bakbakan bago umatras ang Abu Sayyaf, ani Encinas.

Dinala na sa kampo ng militar sa Jolo ang mga nasawi’t nasugatang kawal.

Read more...