Ben&Ben member kay Duque: Please resign, wag isisi ang kapalpakan sa nagbubuwis-buhay para sa bayan

ILANG kilalang celebrities ang nanawagan para sa pagre-resign ni Sec. Francisco Duque III dahil sa umano’y sunud-sunod na kapalpakan ng Department of Health.

Isa na nga riyan si Paolo Guico, isa sa member ng sikat na sikat ngayong bandang Ben&Ben. Hindi rin nito nagugustuhan ang mga sablay na aksyon ng DOH sa paglaban COVID-19 pandemic.

Tweet ng singer, “Duque, please resign. Wag mong isisi ang iyong kapalpakan sa mga taong nagbubuwis-buhay para sa bayan. The country badly needs strong leadership in the DOH.”

Ito’y matapos ngang sisihin ni Duque ang kanyang mga tauhan sa DOH dahil sa pagkaantala ng pagbibigay ng mga “law-mandated benefits” para sa health workers na namatay dahil sa pagkahawa ng COVID-19 sa mga pasyenteng kanilang ginagamot.

Pagpapatuloy pa ni Paolo, “After countless chances we’ve given you, it’s crystal clear with the numbers and facts: you have failed us. Please resign.

“Di rin pwedeng sabihing ‘di binigyan ng respeto ang liderato mo. Binigyan ka ng lahat ng respeto dahil pinagkatiwalaan ka eh. Sa pag-lead ng DOH sa gitna ng COVID-19 crisis.

“Pero binigo mo yun. Numbers don’t lie. Ngayon kami naman ang bigyan mo ng respeto. Respectfully resign, sir,” pahayag pa ng OPM artist.

Read more...