Padre de pamilya niratrat sa harap ng 2 anak, dedbol

PATAY ang padre de pamilya habang kritikal ang kondisyon ng dalawa niyang anak nang pagbabarilin sila habang naghahapunan kagabi sa Tiaong, Quezon.

Ayon kay Lt. Col. Dennis de Leon, hepe ng Tiaong Police, naghahapunan si Ruel Barcelona, 38, at ang dalawa niyang anak–isang 16-anyos na babae at isang-taong-gulang na lalaki–sa kanilang dampa sa Brgy. Cabatang nang biglang pumasok ang dalawang lalaking armado ng kakloibre.45 pistola alas-8:45 ng gabi at sila ay pinagbabaril.

Dead on the spot si Barcelona dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan habang nadaplisan sa noo ang anak na babae at tinamaan sa hita ang bunso. Itinakbo ang magkapatid sa Peter Paul Hospital sa poblasyon.

Iniimbestigahan pa ang insidente. –Inquirer

Read more...