NAGLABAS ng klaripikasyon ang Quezon City government kaugnay ng napaulat na nagpositibo ang 30 empleyado ng isang barangay sa lungsod.
Ayon sa pahayag, sinabi ng QC na nagsagawa ng rapid testing ang Barangay South Triangle sa 168 empleyado nito noong Hunyo 4.
Hindi umano ito ipinaalam sa City hall o sa City Health department na isang malinaw na paglabag sa Item 6 ng Responsibility of the Barangays.
Nagdulot umano ito ng panic matapos na ideklara na positibo sa coronavirus disease 2019 ang 30 empleyado ng Barangay kahit na ang tumingin ng resulta ay walang kaalaman sa IgG at IgM result.
Ang 30 empleyado na umano’y nagpositibo ay isinailalim sa swab test sa QCX Community Testing Center.
“Upon evaluation of the City Health Department’s Epidemiology and Surveillance Unit (QC-ESU) personnel assigned at QCX, it was learned that the employees were IgG positive and do not need to undergo swabbing for confirmation.”
“….we call on residents not to panic as the 30 Barangay employees are COVID-19 free, as confirmed by the QC-ESU.”
Magpapataw umano ng disciplinary measure ang city government sa mga opisyal ng barangay na nagsagawa ng COVID-19 test ng walang koordinasyon sa kanila.
“The Quezon City Government sternly warns all Barangay officials to refrain from conducting rapid testing for coronavirus disease 2019 (COVID-19) without proper coordination with the local government pursuant to the Memorandum of the City Mayor dated 29 May 2020 which provided Guidelines for General Community Quarantine.”