TUMATANGGAP na ang Quezon City government ng aplikasyon para sa ibibigay nitong scholarship sa mga papasok sa Academic Year 2020-2021.
Sa ilalim ng Academic Category ng programa, ang mga nagtapos sa QC Public Senior High School na overall rank 1 at 2 ay makatatanggap ng P80,000 kada taon para sa matrikula at P20,000 stipend/allowance kada taon.
Ang rank 3 hanggang 10 naman ay makatatanggap ng P30,000 pang matrikula kada taon at P10,000 stipend/allowance kada taon.
Sa Civic Leaders Category, ang mga kuwalipikado ay ang mga nanalong Sangguniang Kabataan officials, Center for Excellence (Centrex) graduate, Supreme Student Council/Government Official, School Publication Official, at Scout Leader.
Sila ay makatatanggap ng P8,000 pang matrikula kada taon at P3,000 stipend/allowance kada taon.
Sa ilalim ng Economic category, ang mga kuwalipikasyon ay nagtapos sa QC public/private senior high school na may general average na 80 porsyento, college undergraduate at residente ng QC.
Ang mapipili ay makatatanggap ng P8,000 pangmatrikula kada taon at P3,000 taunang allowance.
Sa Senior High School category, ang kuwalipikasyon ay nasa top 3 Grade 10 completers ng QC Public High School, Grade 10 completers na nabigyan ng international/national recognition sa non-academic endeavors na kinikilala ng Department of Education o QC government at residente ng QC.
Makatatanggap ito ng P8,000 taunang pangmatrikula, at P3,000 taunang allowance.
Ang mga interesado ay kailangan magpatala sa: https://tiny.cc/SYDPApplication