Producer-lawyer nagpapasweldo ng empleyado kahit walang trabaho, proyekto

KIT THOMPSON AT MYLEN E DIZON

PAGKATAPOS ng sex-drama movie na “Belle Douleur” nina Mylene Dizon at Kit Thompson under Quantum Films and Dreamscape Entertainment for iWant ay may bagong handog ulit ang producer na si Atty. Joji Alonso.

Ito ang 6-episode horror thriller series na may titulong “Hotel.”

“Wala pang casting at script being revised at concept siya nina Marlon Rivera at Chris Martinez,” saad ni Atty. Joji sa amin.

Dagdag pa niya, “Very interesting ang material, never been done.”

Na-curious tuloy kami kung ano ang kuwento ng “Hotel” dahil sa sinabing hindi pa ito nagagawa sa Pilipinas.

At dahil sa bagong regulasyon ngayon sa taping o shooting under general community quarantine ay naka-lock in lahat ang mga artista kasama na ang staff and crew.

Since horror-thriller ang genre ay wala pang naiisip ang Quantum producer at sina direk Marlon at Chris kung saan ang magandang location.

Tinanong namin kung sino ang napupusuan nilang mga artista sa “Hotel.”

“Wala pa, wala pa ring na-identify na location. Pero hopefully end of July makapag-shoot na,” pahayag ni Atty. Joji.

Samantala, inamin ng lady producer na may agam-agam siyang gumawa ng pelikula ngayon dahil nga wala pang bakuna para sa COVID-19 at ayaw din niyang isakripisyo ang kanyang production staff, pero kailangang gumawa ng project para may trabaho at kita ang kanyang staff.

Inamin din sa amin ni Atty. Joji na may suweldo ang mga empleyado niya during the lockdown kahit walang pasok, “50 pax ang pasweldo ko kahit walang kita. With this extension two months na. Hay,” buntong hininga ng abogada at producer.

Nabanggit naming ang suwerte ng mga empleyado ni Atty. Joji dahil diretso ang suweldo hindi katulad ng ibang nasa middle class na no work no pay. ‘Yung iba nga ay tuluyan nang nawalan ng trabaho matapos magsara ang kanilang kompanya dahil sa pagkalugi. 

 “Ang lungkot ng ganyan. Hay, I wish I were so rich,” sagot ng producer.

Read more...