Ogie Diaz: Sa bashers, mamatay na ang hindi nakapanood ni isang show ng ABS…mga ipokrita!

(Ikalawa at huling bahagi)

TINALAKAY namin kahapon ang saloobin ng talent manager cum comedian na si Ogie Diaz hinggil sa isyu ng pagpapasara sa kanyang home network, ang ABS-CBN.

Kung marami ang sumusuporta sa muling pagbabalik nito—kabilang kami—ay meron ding mga tutol kung sakaling pagkalooban ito ng prangkisa.

Aware si Ogie na polarized ‘ika nga ang taumbayan, as evidenced sa maraming komentong naglipana sa social media.

“With regard to the bashers, gano’n talaga. We should all accept the fact na we cannot please everybody.  Konti lang naman ang bashers ng ABS-CBN, karamihan pa doon, mga paid trolls. 

“So, hindi na bago yan. Wag mo lang talagang pansinin ang mga paid trolls para hindi sila mabayaran. Saka lang binabayaran ang mga yan pag may mga nag-react sa kanila.  Again, hindi ko nilalahat, ha?  Karamihan lang. So ang mag-react, alam na,” prangkahan niyang sabi.

Simple lang daw ang pamamaraan niya in dealing with them, “Pag may umookray sa akin sa Facebook, sa Instagram comments – pupunta lang ako sa profile nila and then du’n ko malalaman, fresh account siya at wala masyadong post.  

“Kaya alam mong gumawa lang ng account para i-bash ako. Ako, hindi ko na sinasagot. Diretsong blocked na sila,” he added.

In fact, his bashers go as far as attacking him on the personal level.

“Meron ngang lumait sa akin. Nag-message sa akin sa Messenger.  Grabe kung laitin ako. Di ako nakatiis. Sinagot ko, sabi ko, ‘Kuya, bakit hindi ka mag-aral uli, tapos, mag-concentrate ka sa spelling para hindi na cobid ang spelling mo sa covid.’ 

“Tatlong beses pang binanggit ‘yung cobid. Sana, pag magtataray, marunong mag-spell. Ayun, binlock ko.”

Worse, may mga nagbabanta pa raw, “‘Yung isa naman, taga-Europe.  Sabi niya, ‘Wag kang makapunta-punta dito sa Europe para mag-show, dahil pupuntahan kita at babastusin kita nang harap-harapan sa stage, put— ina mo!’  

“Tiningnan ko yung profile pic. Isa siyang ama na kasama ang dalawa niyang dalagang anak at nakasulat sa bio niya sa profile niya, ‘God fearing’ siya. I messaged him, ‘Daddy, ang gaganda ng anak n’yo, yan po ba ituturo n’yo sa kanila? 

“Ano po ibig sabihin ng God fearing sa profile n’yo? Baka hindi n’yo po alam, pwede ko pong sabihin sa inyo ang meaning!’ Sumagot siya, ‘Tarantado!’ Sumagot uli ako,  ‘Nako, hindi po yon ang meaning ng God fearing!’ Hahaha!  Naaliw na lang ako, pero binlock ko na rin.”

Paglilinaw ni Ogie, all he wants is to imbibe positive vibes.

“I don’t entertain negativity on my Facebook account.  Ilan na nga ring mga kaibigan ko ang binlock ko, dahil sila yung madadalas magpabati sa amin ni MJ Felipe sa radio program namin sa DZMM, nagkakaroon pa ng access sa studio pag kasama kami, nakaka-tour ka pa sa loob ng ABS, pero yes to shutdown kayo?  

“Meron ding mga movie writers akong binlock, teka, nakikita ko ‘tong mga to sa presscon ng Star Cinema at mga bagong shows ng ABS-CBN, ah? Porke hindi madalas ma-invite sa presscon, yes to shutdown na?  

“Di ko ma-gets ‘yung stand nila.  Kaya yung mga bashers ng ABS, mamatay na ang hindi nakapanood ni isang show ng ABS yan sa tanang buhay nila. Di ba, mga ipokrita!” diretsahang sabi pa ni Ogie.

                                                                                    

Read more...