Mark Herras nag-propose na kay Nicole Donesa: Ang mahalin ka at makasama ka habang buhay…

Mark

ENGAGED na ang Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa.

Mismong ang Kapuso actor-dancer ang nag-share ng good news sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Ipinost ni Mark sa IG ang black-and-white photo ng dalawang magkahawak na kamay.

Dito kitang-kita ang diamond ring na nakasuot sa daliri ng babae.

Caption ng aktor, “Ang mahalin ka at makasama ka habang buhay… I love you itchybear (kissing emojis).” Nilagyan pa niya ito ng hashtag #toinfinityandbeyond.

Noong Aug. 20, 2019 ibinandera nina Mark at Nicole ang kanilang relasyon. Pero bago pa ito, marami na ang nakapansin sa kanilang sweet photos sa IG kaya ang paniwala nila ay magdyowa na ang dalawa.

Sa isang interview natanong ang dalawa kung may balak na silang magpakasal, sagot ni Mark, “Ako, soon, kasi I’m 32. I’m turning 33 di ba? Ako, soon.” 

Sabi naman ni Nicole ready na rin naman siya sa pagkakaroon ng sariling pamilya, “Ako, sigurado ako na gusto ko na talaga si Mark. If it’s [a] topic about the future, yeah, si Mark.”

Nagkasama sina Mark at Nicole sa Kapuso series na Bihag, na siya ring first major project ni Nicole bilang aktres sa GMA 7.

Kung matatandaan, sumali si Nicole sa Binibining Pilipinas noong 2013 at sa Miss World Philippines noong 2014 kung saan siya nanalong Third Princess.

Huli namang naging girlfriend ni Mark ang ang beauty queen-actress ding si Winwyn Marquez.

Read more...