SWS: Pinoy naniniwala na nakabuti ang lockdown

Lockdown

NAKARARAMING Pilipino ang naniniwala na nakabuti ang stay-at-home policy na ipinatupad ng gobyerno upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019.

Sa survey na isinagawa noong Mayo 4-10, sinabi ng 84 porsyento na “worth it” ang lockdown samantalang 15 porsyento ang nagsabi na nagdulot ng matinding paghihirap sa mga tao ang stay-at-home policy.

Ang isang porsyento ay sumagot ng pareho.

Ginamit ang mobile phone at computer-assisted telephone interviewing sa survey. Kinuha dito ang opinyon ng 4,010 working age Filipino.

Read more...