Sabong bawal pa rin– DILG

IPINAAALALA ng Department of Interior and Local Government na bawal pa rin ang sabong sa ilalim ng General Community Quarantine o Modified GCQ.

“Bagamat mas maluwag po ang ating mga kautusan, bawal pa din ang sabong saan mang bahagi ng mga lugar na nasa ilalim ng GCQ or MGCQ as we continue to stop the spread of COVID-19 in the country,” ani DILG Sec. Eduardo Año.

“Ang GCQ po ay hindi para magawa po natin ang mga gusto nating gawin tulad ng pagsasabong; ito po ay para gumulong ulit ang ekonomiya. GCQ or MGCQ does not mean we are free of the virus so we must always be vigilant.”

Iginiit ni Año na walang inilalabas na resoluston ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) para payagan ang sabong.

“Ang sabong po ay hindi pa din po pinapayagan sa ilalim ng GCQ or MGCQ. Patuloy po ang paalala natin sa ating mga kababayan na ang mapapatunayang lumabag sa kautusan na ito ay mapaparusahan.”

Nagpaalala rin ang kalihim sa mga lokal na pamahalaan na bantayan ang mga sabungan at tupada.

Hindi umano totoo ang sinasabi ng Globaltech Mobile Online Corp sa Ilocos Region na pinayagan na itong mag-operate sa ilalim ng GCQ.

“There’s no truth to that, we only adhere to the instructions of the IATF and made no pronouncements that gaming activities will be allowed under GCQ.”

“Hindi po tayo lilihis sa kung ano po ang ipinaiiral ng IATF at ni Presidente and this claim of Globaltech Mobile Online Corp is false.”

Read more...