5 huli sa buy-bust

Jail

ARESTADO ang limang drug suspects sa magkakahiwalay na operasyon ng Quezon City Police District.

Nasakote ng Masambong Police sa buy-bust si Manly Señar, 41, ng Caloocan City, alas-5:40 ng hapon sa Ilocos Sur, Brgy. Ramon Magsaysay. Narekober umano sa kanya ang apat na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P27,200.

Nahuli naman ng Cubao Police sina Mark Bryan Rances, 41, ng Marikina City, Jennifer Montipio, 28, ng Brgy. San Martin De Porres, Cubao at Rowena Velo, 38, ng Brgy. Holy Spirit, alas-11 ng gabi sa Illinois st. kanto ng Ermin Garcia st. Brgy. Silingan, Cubao.

Nasamsam umano sa kanila ang anim na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P7,500.

Naaresto naman ng Kamuning Police si Ma. Victoria Balajadia, 34, ng Brgy. Pinyahan, alas-6:45 ng gabi sa Mabilis st., malapit sa kanto ng V. Luna Rd., Brgy. Pinyahan. Narekober umano sa kanya ang limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P34,000.

Read more...