New normal: Pagsusuot ng face mask tuwing makikipagtalik

KABILANG na sa bagong new normal ang pagsusuot ng face mask habang nakikiapagtalik, iyan ay base sa payo ng mga eksperto para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease.

Ayon sa isang research sa Harvard University na pinublish sa Annals of Internal Medicine, nagbabala na maaaring kumalat ang COVID-19 tuwing magse-sex kaya pinapayuhan na dapat magsagawa ng safety measures para maging ligtas dito.

Ilan sa mga COVID-19 free safe sex protocols ay ang pagsusuot ng face mask habang nakikipagtalik, pag-iwas sa paghahalikan at pagligo bago at matapos makipag-sex.

Ayon pa sa study, wala pang patunay na naipapasa ang virus sa similya pero pinapayuhan pa rin ang pag-iwas sa mga sexual acts na involve ang ito.

Nirango naman ng research ang iba’t ibang sitwasyon kung saan mas nanganganib na magkasakit ng COVID-19 ang isang tao. Pinaka at risk ay mga may sexual partners na hindi nila kasama sa iisang bahay.

Pinakaligtas naman na paraan ang mag-aabstain o hindi makikipagtalik, masturbation at mga magpaparticipate sa ‘digital sex’.

 

 

Read more...