7 arestado sa buy-bust operations

Arrested

ARESTADO ang pito katao kabilang ang dalawang menor de edad sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon City.

Nahuli ng Fairview Police sina Francis Ponce, 33, Ramil Villafania, 50, at dalawang menor de edad na babae mula sa Caloocan City, alas-8 ng gabi sa Atrium st., Maligaya Park Subd., Brgy. Pasong Putik.

Nakumpiska umano sa kanila ang 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P374,000.

Naaresto naman ng Batasan Police si Shirley Secuya, 36, alas-11:25 ng gabi sa Espiritu Compound, Brgy. Pasong Tamo.

Nakumpiska umano sa kanila ang 10 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800.

Nasakote rin ng Batasan Police sina Cheil Adrian Reyes, 27, at Jayson Soriano, 40, ng Brgy. Commonwealth alas-10:20 ng gabi sa Martinez st., Brgy. Commonwealth.

Narekober umano sa kanila ang walong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400.

Read more...