Nanlaban pusher utas

PATAY ang isang lalaki na nanlaban umano sa mga pulis na aaresto sa kanya sa dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot Quezon City kagabi.

Dinala sa East Avenue Medical Center ang suspek na si Jerson Gimarangan, ng Mapagbigay st., Brgy. Pinyahan.

Nakabili umano ng P1,000 halaga ng shabu ang poseur buyer sa suspek alas-7:20 ng gabi sa Matapat st., Brgy. Pinyahan.

Nang huhulihin na ay bumunot umano ng baril ang suspek kaya pinutukan ito ng mga pulis.

Narekober ng pulisya ang kalibre .38 revolver na may apat na bala at isang basyo at anim na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P40,800.

Read more...