P1M shabu nasamsam sa 2 drug suspects

SHABU BUY BUST

ARESTADO ang dalawang lalaki na nakuhanan umano ng mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa operasyon ng Quezon City Police District kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Mark Jose Gabales, 22, ng Makati City at John Edward Almiral, 27, ng Malate, Manila.

Naaresto ang dalawa sa isang buy-bust operation alas-3 ng hapon sa Taylo st., Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.

Nakabili umano ang poseur buyer ng P100,000 halaga ng shabu kay Gabales. Si Almiral umano ang nagsilbing lookout.

Nang maaresto ay nasamsam sa suspek ang 160 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.044 milyon.

Read more...