ISANG napabayaang kalan ang sanhi ng sunog sa Las Piñas kaninang umaga.
Nasunog ang isang kainan sa J. Aguilar Ave. BF International/CAA alas-6:22 ng umaga.
Ang kainan ay pagmamay-ari ni Avelino Borbo.
Alas-6:34 ng umaga ng maapula ang apoy na nagsimula sa kusina ng kainina.
Tinatayang P20,000 halaga ng ari-arian ang napinsala sa sunog.
Walang napaulat na nasugatan o nasawi sa sunog.
MOST READ
LATEST STORIES