Quarantine certificate para sa OFW pinabilis

UPANG mapabilis ang pagproseso ng Quarantine Certificates ng mga overseas Filipino workers pumasok sa partnership ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Quarantine (BOQ).

Ang pagkuha ng quarantine certificate ay kailangan ng mga OFW upang makauwi sa kanilang mga probinsya.

Nakasaad sa certificate na ang isang OFW ay sumailalim na sa mandatory quarantine procedure at nagnegatibo sa RT-PCR test na isinagawa ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs.

Maaari itong iproseso ng OFW online sa quarantinecertificate.com.

Ang digital copy ng BOQ quarantine certificate ay ipadadala sa email address ng OFW.

Ang certificate ay kailangan iberepika bago payagang umalis sa quarantine facility ang isang OFW.

Read more...