As of this writing, ang pagpirma na lang ni President Rodrigo Duterte ang hinihintay upang tuluyan na itong maging batas.
Eh, ‘yung tungkol sa prangkisa ng Channel 2, tatalakaying muli sa susunod na hearing ng Congress bago ito mag-adjourn.
Ibig sabihin nito, wala pang katiyakan kung maaaprubahan ang panukalang batas upang mabigyan ng temporary franchise ang TV network na nagsara matapos ilabas ang cease and desist order ng National Telecommunications Commission.
Sa pag-apruba ng Senado at Kongreso sa Anti-Terrorism Bill, maraming celebrities ang kumontra kabilang na ang dalawa nating Miss Universe na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray, huh!
* * *
Limampu’t dalawa na ang total na TV stations ng GMA Network sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Kaya naman mahigit sa 80 milyong Filipino na ang nagagawang abutin ng Kapuso Network at maituturing na largest network sa bansa.
Sa panahong tulad ngayon na marami ang nangangailangan ng mapagkakatiwalaang news source, napakalaking bagay na may maaaasahan tayo tulad ng GMA Network.
Sa ika-70th anniversary ng network, patuloy ito sa pagiging Buong Puso Para sa Pilipino.