Furniture shop nasunog

ISANG furniture shop ang nasunog sa Quezon City kahapon.

Alas-10:44 ng umaga ng magsimula ang sunog sa ADR Furniture Shop sa Gener st., kanto ng Kamuning Rd., Brgy. Kamuning.

Sa kuwarto sa ikalawang palapag umano ng gusali nagsimula ang sunog.

Inaalam pa ang pinagmulan ng apoy. Umabot sa P50,000 ang halaga ng pinsala.

Naapula ang sunog alas-11:30 ng umaga.

Read more...