Vilma binanatan sa pagboto ng ‘yes’ sa Anti-Terror Bill; Luis nadamay 

Vilma Santos

BINABATIKOS ngayon si Batangas Congw. Vilma Santos-Recto dahil sa pagboto niya ng “yes” sa pagsasabatas ng pinag-uusapang Anti-Terrorism Bill.

 Base ito sa ipinost ng anak niyang si Luis Manzano sa Twitter kagabi. 

Ang caption ni Luis sa mensahe ng nanay niya, “To everyone asking, here’s what my mom said about the anti-terror bill – ‘I am not a principal author of HOUSE BILL 6875.  I’m in favor of it WITH RESERVATIONS.  I have concern about the country’s national security policy. 

“‘I just hope that the law enforcement agencies will implement it in accordance with the Constitution, full respect to human rights and without abuse whatsoever.’”

Kinontra ng ilang netizens ang posisyon ng actress-politician kasabay ng paghamon kay Luis kung paano niya dedepensahan ang ina. Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento laban sa kongresistang ina ni Luis.

Ayon kay @jjcdizon na gumamit pa ng hashtag #JunkTerrorBILLNOW,

“She still voted YES, which makes her an ENABLER of fascism and tyranny. When this becomes a law and it gets abused buhay at kalayaan ng mga tao ang kapalit. Vilma Santos played a part in destroying democracy and she will have blood on her hands. That will be her legacy.

“Kapag binusalan ang right to free speech. Kapag may mga taong hinuli dahil lang sa suspetya o kutob. Kapag may mga taong sinaktan sa kulungan. Kapag may mga taong na-violate ang right to privacy. Kapag may nasiraan ng kabuhayan dahil lang sa suspetya.  Nag YES jan si Ate V?” dagdag pa niya.

Sabi naman ni @RonanInManila, “If her reservation is that she’s not sure whether the national security agencies will enforce it ‘according to the constitution’, the only rational thing to do was: 1- vote no 2- ask for a probe on alleged violations of constitutional rights by said agencies.”

Sabi ni @Greefenery, “I’m sorry Luis but your mom is still going down on history as one of those who voted yes. This is the vote that defines her.”

Komento naman ni @Dear_Deadly, “Reservation is a variable non which means if she had reservations about something, she was not sure that it was entirely good or right. But she still went for it and gave her Yes. Her reason doesn’t absolve her. She is complicit. She basically red-tagged Sister Stella L.”

Kinuwestiyon naman ni @gelosemicolon kung ano ang masasabi ni Luis sa pagboto ng yes ng kanyang ina, “She still voted yes. Now, forget that she’s your mom for a sec and I’m curious on what’s your say about it?”

May mga netizens ding nag-post ng poster ng mga pelikulang pinabidahan noon ni Congw. Vilma tulad ng “Dekada 70″at “Sister Stella L” na tumatalakay sa pang-aabuso sa karapatang pangtao.

 

 

Read more...