Anti-terror bill pasado na sa Kamara

INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang anti-terror bill.

Sa botong 173-31 at 29 abstention, inaprubahan ng Kamara ang panukalang Anti-Terrorism Act of 2020 (House bill 6875) na nagbibigay ng malawak na kapangyarihan sa otoridad upang sugpuin ang terorismo sa bansa.

Inaprubahan ang panukala isang araw matapos itong aprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa. Ang panukala ay certified urgent ng Malacañang.

Ang panukala na inaprubahan ng Kamara ay katulad ng bersyon ng Senado kaya hindi na ito daraan sa bicameral conference committee meeting at deretso nang mapipirmahan ni Pangulong Duterte upang maging isang batas.

Sa ilalim ng panukala ang mga terorista ay mahahatulan ng habambuhay na pagkakakulong na walang tyansa na mabigyan ng parole.

Maaari ring arestuhin ang isang tao ng walang warrant of arrest at ikulong ito ng 14 na araw na maaaring pahabain pa ng 10 araw.

Read more...