KUKUWESTYUNIN ng House minority bloc sa Korte Suprema ang constitutionality ng anti-terror bill.
“Yan po ay laban talaga sa Constitution kaya we are thinking of going to the Supreme Court if ever the Anti-Terror bill becomes a law,” ani House minority leader at Manila Rep. Bienvenido Abante.
Sinertipikahan ng Malacañang ang House bill 6875 kaya maaari itong agad na maipasa ng Senado at Kamara de Representantes.
“Talagang pinag-uusapan na po namin sapagkat number one, against po sa Constitution yung warrantless arrest,” dagdag pa ni Abante. “Number two, eh hindi naman po tama sa Constitution na huhulihin mo yung tao and you detain them for 14 days, may extension na 10 days, and they (arresting officers) may not even be charged in court “
“Kaya nga po ang tanong namin, sino ang authorized para magkaroon ng warrantless arrest?”
Sa halip na ipasa ang panukala, sinabi ni Abante na ang dapat atupagin ng Kamara ay ang mga batas na may kinalaman sa paglaban sa epekto ng coronavirus disease 2019.
“Sana po at isantabi muna ito at ating pong pansinin muna talaga yung mga bills natin na currently pinag-uusapan tulad ng PESA (Philippine Economic Stimulus Act) bill, at [Better Normal bill]. Pinakamahalaga to focus our attention on the COVID-19 pandemic. And that is our call.”
Sinabi naman ni Iloilo Rep. Janette Garin na maganda ang hangarin ng panukala subalit makabubuti umano kung magkakaroon ng safety nets upang hindi ito maabuso.
“I firmly believe in the intentions of the bill but I also believe that this must be discussed thoroughly so that if there will be abuses committed, or planned on being committed without any intentions from the authors of this measure, sa ngayon pa lang mayroon nang safety nets,” dagdag pa ni Garin.