Scholarship application ng DOST bukas na

BINUKSAN na ng Department of Science and Technology-Science Education Institute (DOST-SEI) ang aplikasyon para sa ibinigay nitong undergraduate scholarships.

Ang 2021 DOST-SEI S&T (Science and Technology) Undergraduate Scholarships ay bukas para sa mga papasok na Grade 12 sa AY 2020-2021 na gustong kumuha ng STEM courses sa kolehiyo sa susunod na taon.

“Amid the uncertainty, we soldier on in providing scholarship opportunities for college studies. The DOST Scholarship invites talented Filipino youth to pursue STEM-related careers and take active participation in research and development (R&D) activities. We hope to have more scientists especially in this changing world,” ani DOST-SEI Director Dr. Josette T. Biyo.

Ang mga aplikante ay dapat natural-born Filipino na mayroong good moral character at maayos na kalusugan. Ang estudyante ay dapat nasa STEM strand at kung nasa non-STEM strand ay dapat nasa top 5 percent ng graduating class.

Mabibigyan ng scholarship ang papasa sa 2021 S&T Undergraduate Scholarships Examination at kukuha ng Bachelor of Science degree program sa kolehiyo o unibersidad na kinikilala ng Commission on Higher Education bilang Center of Excellence o Center of Development o mayroong FAAP Level III accreditation para sa BS program.

Ang mga interesado ay maaaring mag-apply online sa https://www.science-scholarships.ph/.

Ang deadline ng aplikasyon ay sa Agosto 28. Ang qualifying examination ay sa Oktobre 25.

Read more...