Kris, 2 anak gooodbye Puerto Galera; pinayagan nang makauwi sa Maynila

SA wakas, makakauwi na sa kanilang tahanan sa Manila si Kris Aquino kasama ang kanyang dalawang anak. 

Makalipas ang halos tatlong buwan, nagpaalam na ang mag-iina sa mga nakasama nila sa isang beach resort sa Puerto Galera kung saan sila nag-stay habang may enhanced community quarantine.

Nag-post ng litrato si Kris sa kanyang Instagram account na kuha sa dalampasigan bago sila tuluyang umalis sa Puerto Galera.

Aniya sa caption, “We got all our clearances & permits, now we’re ready for the 1st part of our journey HOME! Just in time for kuya’s birthday tomorrow. (A special thank you to WBR [Willie Revillame] for letting @checkticsay & randy, aka ‘hello kitty’ stay to help us.)

“It’s been almost 3 months but everyone at Sunset & the Puerto Galera LGU really made us feel welcome. (Thank you to Doc Oca for helping mend my left hand & Doc delos Reyes for regularly checking kuya josh, bimb, and me),” mensahe pa ng TV host-actress.

Kung matatandaan, nagbabakasyon sa Boracay si Kris kasama sina Joshua at Bimby nang ipatupad ang community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

Mula sa Bora, tinulungan sila ni Willie Revillame na makalipat sa pag-aari niyang beach resort sa Puerto Galera kung saan sila nag-stay nang ilang linggo.

Naiwan sina Kris sa Puerto Galera para manatili pa roon ng ilang linggo dahil sa ECQ habang si Willie ay bumalik na ng Manila para makapag-show nang live sa Wowowin.

Read more...