ISANG malaking fake news ang kumakalat na viral video kung saan nagsasayaw diumano ng kaniyang newest hit na ‘Bawal Lumabas’ si Kim Chiu sa Edsa.
Sa post niya sa kaniyang Instagram account, hindi raw yun sa Edsa kundi sa parking lot ng isang restaurant.
“Sa nagpapakalat ng fake news na sa Edsa ako sumayaw, hello?!!! Okay ka lang??? Bakit ako sasayw sa gitna ng edsa. Takot ko lang. DYOS KO. Please stop spreading FAKE NEWS.” sey ni Kim.
Umabot sa libong views ang sinasabing viral video na ipinost ng isang Chadric Ebojo sa Facebook.
Sey ni Kim, nagdeliver lang siya ng merchandise na nagbunga mula sa hit niyang Bawal Lumabas song.
“Please lang. Moms @iamangelicap sa edsa daw yung PARKING LOT ng tipsy pig?… kaya pa ba? Ikaw na nagdeliver ng merchandise, ikaw pa pagbibintangan ng fake news… hay…. life…… hindi po biro magbenta ng merch, first time kong ginawa to pero okay lang I know this is for a good cause. let’s spread love not hate. COVID ANG KALABAN NATIN, HINDI ANG KAPWA TAO.🙏🏻 please lang, stop spreading #fakenews.”