Tumanggap ng ayuda bawal bumili ng alak

BINAWI na ang pag-iral ng liquor ban sa Muntinlupa City kahapon pero bawal pagbilhan ang mga residente na nakatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

Sa ordinansa, inisa-isa kung sino lamang ang pwedeng bumili at Hindi ng alak.

Ayon sa alintuntunin, ang mga indbidwal na tumanggap ng tulong-pinansyal mula sa national o local government ay hindi pwedeng bumili ng alak habang umiiral ang GCQ o MGCQ.

Ito ay para masiguro na ang tulong-pinansyal ng gobyerno ay hindi magagamit sa pagbili ng alak.

Kung benipisyaryo ng national o local government cash assistance at mahuhuling bumili ng alak ay diskwalipikado na ito sa susunod na mga ayuda.

Ang mga establisimento na nagtitinda ng alcohol ay dapat mayroong record ng kung sinu-sino ang bumili sa kanila ng alak.

Dapat kuhanin ang buong pangalan ng buyer, eksaktong address, contact details, petsa at oras ng pagbili.

Read more...