Pokwang nanawagan, parody account na ‘Jokwang’ dapat isumbong

NANAWAGAN sa mga artista friends niyang sina Maja Salvador, Heart Evangelista at Erich Gonzales at maging sa mga followers niya na ireport ang isang parody account sa Facebook na ‘Jokwang’.

Una nang nireport ito bilang fake account na ginagamit ang kaniyang pangalan at iniba lang ng kaunti ang pangalan.

“Hello @iammajasalvador @iamhearte @erichgg Please report this FB account na ginagamit mga videos ninyo para pagkakitaan, dati siyang fake na Pokwang at dahil nga nag Post ako na hindi sa akin that account ngayon pinalitan n’ya ng Jokwang. nasa Facebook ito hanapin n’yo at ireport Jokwang! Jong ina metch! Jutang ina mo ka joyaw mo talaga jumigil Joyop ka!!! Hahahahahhaa.” sey ni Pokwang.

Ang Facebook account ay may higit na 500,000 followers.

Sa pagbisita sa account, puro video post na kinuha sa vlog ng mga artista ang laman nito.

Bawat post naman ay may credits mula sa pinagkuhaang artista at panawagan na mag-subscribe sa Youtube account nito.

 

Read more...