DJ Loonyo bugbog-sarado sa netizens dahil sa ‘mass testing’ viral video

INULAN ng batikos ang viral vlogger na si DJ Loonyo dahil umano sa pagpapakalat ng mali-maling impormasyon tungkol sa mass testing.

Isang video ng binata ang kumalat ngayon sa social media kung saan sinagot niya ang tanong kung paano niya mae-educate ang publiko hinggil sa mass testing ngayong panahon ng pandemya.

Ngunit mukhang ang pagkakaintindi yata ni DJ Loonyo rito ay isang mass clinical trial para sa COVID-19 vaccine kaya naman durog na durog siya ngayon sa bashers.

“I just don’t know… It’s, like, gagana ba itong bagay na ‘to sa ganitong ano, di ba? I don’t know kung anong gagamitin nila sa mass testing.

“Pero kung anuman ipapainom nila, kung anong ipapagawa nila, it’s a trial and error, that’s why it’s mass testing.

“Kaya kawawa yung mag-i-intake. Kawawa yung mag-a-undergo nun, ‘coz it’s not 100 percent proven.

“It shouldn’t be mandatory. It should be encouraged. Depende na sa iyo kung gusto mo i-test yung sarili mo or kung gusto mo paniwalaan yung ano nila,” simulang paliwanag ng DJ.

Pahayag naman ng kausap niya sa video, “So, in short, hindi ko dapat i-take yun kung ganun pala.”

Sagot ni DJ Loonyo, “But for me, why would you test me? I’m a human being. I will react kung ano yung ipapainom mo sa akin.

“Paano kung ipapainom mo sa akin magre-react ng medyo malala yung katawan ko? So I’m dead. So, hindi ako naniniwala sa mass testing na ‘yan,” aniya pa.

Natatakot din si DJ Loonyo na baka makahawa pa sa iba ang taong nag-COVID test, “Paano kung biglang reactant pala yung na-take mo?

“Paano kung may ininuman ka na baso and your kids iinom ng the same baso and then affected na lahat? We don’t know.

“It’s okay na maging metikuloso tayo sa kung anong ini-intake natin ‘coz we’re really vulnerable of these things, lalo na pag wala tayong alam.

“We just want to ignite something to these people for them to do their research, to do their responsibility as human being.

“Do not rely on just government. Do not rely on other people, but to rely on what they believed and what they studied,” paliwanag pa niya.

Ang mass testing ay isa sa  health measures na inirekomenda ng World Health Organization para labanan ang COVID-19. Isa itong paraan para mabilis na ma-isolate ang taong tinamaan ng killer virus para huwag makahawa ng ibang tao.

Trending ngayon si DJ Loonyo matapos banatan ng mga netizens. Sana raw ay nag-research muna siya bago nagsalita tungkol sa isang national issue dahil maaaring mag-cause ng alarm at panic ang kanyang mga sinabi.

May mga nagsabi pang pwede siyang kasuhan dahil sa pagpapakalat ng fake news sa panahon ng health crisis.

Read more...