2 babae kulong sa shabu

Jail

KALABOSO ang dalawang babae na nakuhanan umano ng P238,000 halaga ng shabu sa Quezon City kahapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Babylyn Brillante, 27, at May Velarde, 25, mga taga- Brgy. Banay-Banay Lakeside, Cabuyao Laguna.

Nakabili umano ng P53,000 halaga shabu ang isang poseur buyer sa mga suspek alas-7:30 ng umaga sa 36, Phase 3, Banay-Banay Lakeside, Cabuyao Laguna.

Narekober din sa kanila ang 35 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P238,000.

Read more...