Bumabanat sa anti-terror bill tinawag na epal ni Sotto
EPAL ang ginamit na salita ni Senate President Vicente Sotto III para mailarawan ang mga bumabatikos sa sinusulong na anti-terror bill.
“Napakaraming naririnig at nababasa sa social media na mukhang hindi naiintindihan eh, katakot-takot na pintas. Hindi nila alam itong anti-terrorism bill na bago. Ang daming epal, ika nga. Tapos ang dami namang pumipintas, ‘yung pinipintas nila wala doon sa bill.” aniya sa interview sa ABS-CBN News.
Sinabi ni Sotto na kumunsulta ang Senado sa mga former justices ng Supreme Court para masiguradong naka-comply ito sa Konstitusyon.
Sinabi rin niya na handa silang humarap sa Supreme Court kung sakaling idaan ang pagkontra sa anti-terror bill sa legal na paraan.
Sinisugurado rin ni Sotto sa publiko na wala silang dapat ikatakot dahil may mga safeguards ito laban sa pang-aabuso.
“Napakaraming safeguards pero mahigpit sa terorista. Ang dapat matakot lang dito, ang terorista at ‘yung sumusuporta sa terorista. Pero kung taongbayan, karaniwang Pilipino, walang dapat ikatakot dito.” ani Sotto.
“Hindi basta nanggugulo sa kanto… At tsaka ‘yung terrorism dito as defined does not include advocacy, protest, dissent, ‘yung mga strike strike, industrial or mass action and other exercise of civil and political rights. Hindi kasali ‘yun. Maliwanag ‘yun.” dagdag niya.
Binatikos ang tinatawag ng ilang sa publiko na ‘terror bill’ dahil sa ilang probisyon na diumanoy labag sa karapatang pantao at sa Konstitusyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.