Mga sinibak na empleyado ng ABS-CBN pinaboran ng NLRC

BAGO tuluyang nawala sa ere, nagpalabas ng desisyon ang National Labor Relations Commission pabor sa mga sinibak na empleyado ng ABS-CBN.

Ipinalabas ng NLRC ang return-to-work order para kina Rowena “Wheng” Hidalgo Otida, Jerome “Jay” Manahan at John E. Cuba.

Kasama nila na nanalo sa kaso (NLRC-NCR case no. 05-06101-03) si Ricky de Belen, na namatay sa isang aksidente sa motorsiklo.

Ang desisyon ay ipinalabas noong Pebrero 6, 2020 ni Labor Arbiter Leilani T. Braza-Oro.

Sinabi ni Oro na dapat pabalikin sa trabaho sina Otida, Manahan at Cuba sa loob ng 15 araw matapos matanggap ng ABS-CBN ang order. Sila ay ibabalik sa dati nitong mga posisyon o katumbas nito.

Pinababayaran din ng kabuuang P100,000 ang bawat complainant P50,000 sa exemplary damages at P50,000 sa moral damages at 10 porsyentong attorney fee.

Noong Hunyo 2003, inihain ang kaso at ibinasura ito noong Agosto 2004. Inapela ito.

Noong Oktobre 29, 2009, binaliktad ng NRC First Division ang desisyon at pinaboran ang reklamo.

Umabot sa Korte Suprema ang kaso.

Noong Hunyo 14, 2014 inutusan ng korte ang ABS-CBN na bigyan si De Belen ng back pay at separation pay dahil sa iligal na pagtanggal dito.

Noong Mayo 5 ay nagpalabas ang National Telecommunications Commission ng cease and desist order laban sa ABS-CBN.

Read more...