DJ Loonyo nag-sorry kay Ivana: Hindi ko siya niloko, I just love her

“YUNG nararamdaman ko kay Ivana Alawi is real and pure.” 

Ito ang ibinandera ni DJ Loonyo sa madlang pipol tungkol sa tunay niyang nararamdaman para sa Kapamilya sexy actress.

Ang ginawang pag-amin ng sikat at viral DJ ay nangyari matapos kumalat ang chika na in-unfollow na siya ni Ivana sa Instagram at Twitter. Balitang iniiwasan na ng dalaga si DJ Loonyo ngayon due to some personal reasons.

Sa Instagram Live video ng DJ, inamim niyang nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Ivana nang dahil sa pambabalewala nila sa feeling ng isa’t isa. Nilinaw din niya na hindi ito tungkol sa babaeng nali-link sa kanya na nagngangalang “Claire”.

Paliwanag ni DJ Loonyo, nagkaroon siya ng anxiety issue dahil sa mga problema niya sa kanyang dance studio sa China. Ito ang rason kung bakit hindi muna niya kinausap si Ivana nang isang linggo, ayaw daw kasi niya itong madamay sa pinagdaraanan niya.

Sey ng DJ, nagtampo siya dahil hindi man lang daw nagparamdam ang aktres noong may pinagdaraanan siya, “I never messaged her one week. Sana man lang kinumusta niya ako sa nangyari sa akin.

“Nandu’n yung ganu’ng klaseng, alam mo yun, the child in me, na sana matanong niya ako and all,” aniya pa. Pero nu’ng ready na siyang ipagtapat lahat ng Ivana ng nga nangyayari sa kanya at ang tungkol kay “Claire” (na may malalim ding pinanggagalingan), si Ivana naman ang ayaw nang magparamdam sa kanya.

“Nage-gets ko. Hindi ko naisip yung mararamdaman ni Ivana. When I messaged her after one week, na ready ako to tell her what really happened to me the past week.

“Of course, nandu’n yung damage na, ‘Bakit ime-message mo lang ba ako pag positive ka? Paano kung negative ka?

“‘Hindi mo man lang naisip nararamdaman ko nung di ka nag-message. You suddenly ghosted me.'”

Aniya pa, “Naintindihan ko yun. I said sorry for her. I told her my sincerest apology and all. Because I have my own reasons—na mali. Tao tayo, nagkakamali. Normal tayo.”

Sa isang bahagi ng video, sinabi ng DJ na in-unfollow na siya ni Ivana sa Twitter at IG, “I believe Ivana unfollowed me not because of Claire (ang babaeng naging malapit din sa kanya bago makilala si Ivana).

“But it’s because of what happened first, yung one week na hindi ako nag-message for my stupid reason. Nakakabobo rin talaga yung pagmamahal, guys, sa totoo lang,” lahad ni DJ Loonyo.

Na-shock na lang ang DJ nang ikonek ng netizens ang pag-unfollow sa kanya ni Ivana kay Claire, “And then this chaos came up. It’s because of these stupid bashers. Sobrang init lang ng pananaw nila sa akin.”

Pagpapatuloy pa niya, “Just to clear things, I never used Ivana. Claire was a good person—mautak na tao, she loves her family so much, she loves her daughter so much.

“Ako lang dapat target niyo. They’re just victims of how I mishandled the situation. Don’t drag people’s names. Ako na lang.

“Wala naman ibang ihe-hate dito kundi sa akin kasi sa akin naman nanggaling ang desisyon. The mistake was from me. It happened on that moment.

“There’s a reason why it happened on that moment. I mishandled it, I understand.

“For Claire, I’m sorry to drag your name in this. I’m sorry that people dragged your name because of me. And for Ivana, for causing a lot of trouble in you.

“Know that I just love you. Know that you’re really special to me. Know that you’re really important to me.”

Mensahe pa niya sa lahat ng nagmamahal kay Ivana, “Hindi ko siya niloko. Pag niloko mo yung tao, hindi totoo yung nararamdaman mo.

“Yung nararamdaman ko kay Ivana is real and pure. I just love Ivana. I’m gonna continue supporting her all the way. I’m gonna continue loving her from afar,” pag-amin pa ni DJ Loonyo.

Read more...