Victoria Court motels na pag-aari ng TV host-car racer na si Angelina King magsasara na

Angelina King

“THIS is your CEO signing out.” 

Ito ang malungkot na mensahe ng kilalang car racer na si Angelina Mead King para sa mga empleyado niya sa Victoria Court Motels.

Mukhang sa pagsasara na rin mauuwi ang nasabing chain of motels nina Angie pagkalipas ng 30 years (since 1970) nang dahil pa rin sa mahigit dalawang buwang pagtigil sa operasyon ng mga itodulot ng COVID-19.

Itinatag ng lolo ni Angie King na si Mr. Angelo King ang nasabing business na minana naman ng tatay niyang si Archimedes King na namatay noong 2015 dahil sa plane crash sa Cuenca, Batangas.

Bukod sa pagiging car racer, kilala rin si Angelina bilang car shop owner, vlogger, TV host, model hotelier, restaurateur. Siya ay asawa ng modelong si Joey Mead bago nito pinamahalaan ang negosyo ng magulang.

Masasabing napakalakas ng kanilang hotel business sa loob ng 30 years pero dahil sa COVID-19 pandemic ay matindi itong naapektuhan kaya kailangan nang magsara.

Martes nang gabi nang i-post ni Angelina ang kanyang pamamaalam sa mga empleyado niya sa pamamagitan ng video message na aniya’y isang “life-changing decision”.

Sabi ni Angelina, “Over the next few weeks, I don’t think the hotel and motel operations will produce the same results as how we used to. This time we have to face the facts and be honest, and try to prepare for what’s coming.

“Even though we have been accepting OFWs (overseas Filipino workers), BPOs (business process outsourcing) and maritime crew, it is still not enough for the business to sustain itself and take care of all of us.

“To go on survival mode, prepare for this now than ignore it. Please don’t think we have come to this decision lightly, it is with great difficulty. I really wish there was another way to go about this.

“For now, I have to advise you, please look for another job to support yourself and your family during these tough times,” paliwanag pa niya.

Hindi naman pababayaan ni Angelina ang mga empleyado niyang nagserbisyo nang tapat sa kanya dahil naglaan siya ng retirement at retrenchment package para sa kanila at nangako na muli silang tatawagan kung sakaling makapagbulas sila ulit.

Samantala, bago pa nangyari ang COVID-19 crisis ay nahilig na si Angelina sa farming at sa katunayan ang rest home ng pamilya King sa Batangas ay ginawa niyang farm at tinawag niyang King Tower Farm.

 Ang nasabing farm ay isang vertical aeroponic Tower Farm in Asia na matatagpuan sa Caliraya, Batangas kung saan ang mga pananim ay water based solution na may malawak na fruit orchard at apiary (taguan ng beehive).

 

 

 

 

 

Read more...