Christian may inaming college paandar; Mark ‘milyonaryo’ na sa TikTok

By Ervin Santiago June 02,2020
share this

Christian may inaming college paandar; Mark ‘milyonaryo’ na sa TikTok

By Ervin Santiago June 02,2020 - 09:25 PM

Mark-Christian

IKINAGULAT ng fans and social media followers ng Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista ang isang bagay tungkol sa kanya na hindi pa alam ng nakararami.

Alam n’yo ba dati pala siyang varsity player ng table tennis noong nag-aaral pa siya sa UP Diliman?

Sa kanyang YouTube video na may titulong “What makes you tick? Talk”, masayang nakipagchikahan si Christian sa mga naging guests niya sa vlog — ang professional basketball player at iBilib host na si Chris Tiu and sports commentator Mark Zambrano. 

Pagbabahagi ni Christian, marami raw ang nagugulat sa tuwing ikukuwento niya ang pagiging varsity player niya noong college.

Ani Christian, ala-6 pa lang ng umaga ay gising na siya upang tumakbo sa academic oval bago um-attend ng kanyang architecture classes noon sa UP Diliman at saka magte-train muli sa gym. 

Nagulat naman ang former prefessional basketball player na si Chris na nagtataka kung paano nahilig sa pagkanta ang kaibigan. 

“The music was always there. Hindi ko lang iniisip na career. Parang, ‘Music as a career before? No, man. I have to work at an office. Parang ganu’n,” kuwento ng Kapuso singer-actor.

Samantala, sa mga nais ding abutin ang kanilang mga pangarap na maging musikero, bukas pa rin ang online auditions ng The Clash Season 3 hanggang June 28. 

Bisitahin lamang ang official website ng GMA Network para sa iba pang mga detalye.

                           * * *

Enjoy na enjoy ang fans sa bawat upload ng tinaguriang Bad Boy of the Dancefloor na si Mark Herras sa social media platform na TikTok! Hindi nawawala sa mga trending videos ang kaniyang mga covers ng iba’t ibang hit na sayaw!

Sa ngayon, pumalo na ng higit one million ang kanyang followers. Pinasalamatan naman niya ang mga tagahanga sa isang post sa Instagram at inalay pa niya ang achievement na ito sa girlfriend at kapwa Kapuso artist na si Nicole Donesa.

Aniya, “Maraming maraming salamat po sa inyong lahat!!! Sooolid!!! @nicole_donesa I love you!” 

Paniguradong hindi lang ang mga fans ni Mark ang proud na proud para sa kaniya kundi pati na rin si Nicole! 

Kamakailan lang, naging viral ang pinasikat niyang dance craze noon na “Average Joe” sa social media kung saan pinatunayan niyang wala pa ring kupas ang kaniyang galing.

 

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending