2 bagong distrito sa Rizal inaprubahan ng Kamara

INAPRUBAHAN na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na dagdagan ng dalawa ang distrito ang lalawigan ng Rizal.

Sa botong 218-0 at isang abstention, inaprubahan ng Kamara ang panukala.

Sa ilalim ng panukala, ang second district ng Rizal ay hahatiin sa tatlo.

Ang magiging ikalawang distrito ay ang Cardona, Baras, Tanay, Morong, Jala-jala, Pililia, at Teresa.

Ang ikatlong distrito ay ang bayan ng San Mateo.

At ang ika-apat na distrito ay ang Rodriguez.

“We filed the reapportioning bill to ensure equitable representation for our constituents. Sa kasalukuyan, masyadong malaki ang nasasakupan ng 2nd District,” ani Rizal Rep. Fidel Nograles, may-akda ng House bill 6222.

“Gaano man tayo magpursigi na mapaglingkuran ang lahat, may mapagi-iwanan talaga kung magpapatuloy ang current setup,” dagdag pa ng Nograles.

Kapag nadagdagan ng distrito, madaragdagan din ang pondo na mailalan sa mga proyekto ng gobyerno sa lalawigan.

Ang Rizal ay mayroong apat na distrito, dalawa rito ay sa Antipolo City.

Ang lalawigan ay mayroong 2.9 milyong populasyon na hindi nalalayo sa populasyon ng Pangasinan at Batangas na may tig-anim na distrito.

“While we are aware that governance requires making hard decisions in terms of distributing valuable yet finite resources in our jurisdictions, the choice is much more difficult when by all accounts the towns are on equal footing,” dagdag pa ni Nograles. “Kaya minarapat na lang po natin na mag-file ng reapportionment bilang pagkilala na karapat-dapat lang na makatanggap ng pantay na serbisyo ang lahat ng mamamayan sa 2nd District.”

Kapag naisabatas, ang eleksyon ng mga kongresista para sa dalawang bagong distrito ay gagawin sa 2022

Read more...