5 huli sa shabu

KALABOSO ang lima katao na nahuli sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City kahapon.

Naaresto ng Talipapa Police sina Elizabeth Vacunawa, 46, ng Brgy. Tandang Sora, Isaiah Chua, 36, Quirbe Villadar, 43, at Jun Salazar, 50, mga taga-Brgy. Pasong Tamo.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya alas-10:30 ng gabi sa Gloria II Taas, Brgy. Tandang Sora. Nakumpiska umano sa mga suspek ang 30 gramo na nagkakahalaga ng P204,000.

Nasakote naman ng Masambong Police si Jenifer Quintos, 39, ng Brgy. Baesa, alas-2:25 ng hapon sa Sitio Mendez, Brgy. Baesa.

Nakuhanan umano ng P20,400 halaga ng shabu si Quintos.

Read more...