3 huli sa P1M shabu

SHABU BUY BUST

ARESTADO ang tatlo katao na nahulihan umano ng mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa Quezon City kagabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Anwar Libongan, 29, Raida Kanda, 29, mga taga- Taguig City at Mohamer Latip, 42, ng Parañaque City.

Isang buy-bust operation ang inilungsad laban sa mga suspek alas-8:30 ng gabi malapit sa gasolinahan sa Quirino Highway, Brgy. Gulod, Novaliches.

Nakabili umano ng P60,000 halaga ng shabu ang poseur buyer sa mga suspek.

Nang maaresto ay nakuhanan pa umano ang mga suspek ng 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000.

Dati na umanong may drug case sina Libongan at Latip.

Read more...