NADAKIP na ang dalawang detainee na nagpositibo sa COVID-19, matapos nilang tumakas sa quarantine facility sa Binondo, Manila.
Halos magkasabay lang nahuli sina Ceasar Adriatco at Jerick Savallon sa Brgy. 781 at Brgy. 767 ng Sta. Ana district, ngayong tanghali, ayon kay Lt. Col. Carlo Magno Manuel, tagapagsalita ng Manila Police District.
Tumakas ang dalawa sa Delpan Evacuation Center ng Binondo at nadiskubre ang insidente kaninang alas-7:30 ng umaga.
Sina Adriatco at Savallon ay kapwa detainee ng MPD Station 6 (Sta. Ana) para sa kasong may kinalaman sa droga at paglabag sa Anti-Child Abuse Law, ayon sa pagkakasunod.
Nagpositibo sa sakit ang dalawa noong Mayo 3, kaya ipina-quarantine sa Delpan Evacuation Center, ayon sa pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES