Checkpoint pinasabugan; 2 pulis sugatan

SUGATAN ang dalawang pulis nang hagisan ng granada ang quarantine checkpoint sa Cabanglasan, Bukidnon kagabi.

Ani Col. Roel L. Lami-ing, Bukidnon police director, naganap ang pag-atake alas-7:30.

Nakabantay ang mga alagad ng batas sa checkpoint sa lugar nang dumaan ang motorsiklo na mayroong sakay na dalawang lalaki. Huminto ang motor bago hinagisan ng granada ng angkas ang mga pulis.

Tumakas ang mga suspek patungong Brgy. Mandaing.

Agad namang naitakbo sa ospital sina SSgt. Junmark Suico at Pat. Alvin Claunan, kapwa ng 1st Bukidnon Police Mobile Force Company.

Inaalam pa kung anong grupo ang nasa likod ng krimen.

Read more...