2 detainee na infected ng Covid-19 tumakas sa quarantine facility

PINAGHAHANAP ngayon ng pulisya ang dalawang detainee na nagpositibo sa Covid-19, matapos tumakas ang mga ito sa quarantine facility sa Binondo, Manila.

Nadiskubre ang pagtakas nina Ceasar Adriatco at Jerick Savallon sa Delpan Evacuation Center kaninang aalas-7:30 ng umaga, ayon sa ulat ng Manila Police District.

Sina Adriatco at Savallon ay kapwa detainee ng MPD Station 6 (Sta. Ana) para sa kasong may kinalaman sa droga at paglabag sa Anti-Child Abuse Law, ayon sa pagkakasunod.

Nagpositibo sa sakit ang dalawa noong Mayo 3, kaya ipina-quarantine sa Delpan Evacuation Center, ayon sa pulisya.

Read more...