Sigaw ng netizens: Coco wag mo nang patulan si Calida…karma is real! 

MAS marami ang nagpapayo kay Coco Martin na huwag nang patulan ang patutsada sa kanya ni Solicitor General Jose Calida sa isyu ng pagpapasara sa ABS-CBN.

Sa Facebook page ng BANDERA, super react ang mga netizens sa tanong kung dapat pa bang sagutin ng Teleserye King ang banat sa kanya ni Calida o dedmahin na lang para hindi na humaba ang kontrobersiya.

Humarap si Calida sa virtual hearing para sa ABS-CBN franchise renewal kung saan pinatamaan niya ilang Kapamilya celebrities na nagsabing hinaharang umano ng gobyerno ang pagbabalik-operasyon ng network.

Partikular niyang tinukoy si Coco na isa sa mga nagpahayag ng matinding galit nang ipatigil ang operasyon ng ABS-CBN. Ani Calida, kung hindi lang daw siya isang SolGen ay baka hinamon na niya si Coco at ipinakain ang mga pinagsasabi nito laban sa kanya at sa gobyerno.

Wala pa ring sagot si Coco sa mga pinagsasabi ni Calida at kung may mga nagsasabi na resbakan niya ang opisyal, may nagpayo naman na huwag na siyang magsalita at magdasal na lang para sa pagbabalik sa ere ng ABS-CBN.

Narito ang ilan sa mga comments ng mga BANDERA followers sa FB hinggil kina Calida at Coco.

“Hwag mo na patulan Coco dyan makikita ng taong bayan ang taong hindi marunong gumamit ng kanyang pinag-aralan. Kung Meron ngang pinag-aralan.”

“Calida is trying to prove that he is invincible, the truth is his actions and his words towards Coco Martin showed only that he is of no worth. There will be a time for everything and he will find no mercy because of his evil deeds.”

“Resbak tlaga! Sana may hiya na yan si Coco. Wag na niyang ituloy rumesbak kc mapapahiya lang sya dahil wla ng script pag pinatawag siya sa senado at kongreso. kawawa lang sya hehe.”

“Dapat lang patulan si Calida kasi tax payer ang nagbabayad sa kanya pero pinagsisilbihan nya mga dds cronies.”

“Wag mo na patulan Cardo Dalisay. Isipin mo na lang mas makinis yong mukha mo kaysa sa MUKHA nya.”

“Mabuti pa magdasal na lang kayo Coco dahil nagalit na sa iyo si Solgen Calida o magtago na lang kayo sa palda ng nanay mo.”

“Coco please wag mo ng patulan. Nakakahiya naman sa position nya. Isipin mo maalala ka ni Sol..kala ko nga Aragones apelyedo nya e. hehehe.”

“Its’ an honor na mapansin ka ng isang Solicitor General at hindi ka pa si KoKo Pimentel sa lagay na iyan ha. Hahaha!”

“Wag ka ng pumatol. Yung ginawa mo, hindi kasamaan ng ugali yun pinagtanggol mo lang ang mawawalan ng work. Nakaupo sa pwesto yan wla kng laban. Na open mo na galit sa dibdib mo ok na un sa mga bashers. Sa kanila kya mangyari un, magsasaya ba sila?”

“Mr. Solgen Calida, you ‘lashed out at celebrities’ who ‘would you use their influence’. Weren’t you using your influence too (considering the quo warranto you filed, the gag order, and when you sent a letter warning NTC)?

“Dedma na lang Coco, isipin mo na lang karma is real sa lahat ng mga taong mapanghusga at mapangmataas. Ang mahalaga nailabas mo na ang nasa loob ng puso at isipan mo.”

Read more...