P1.3T pangtulong sa mga naapektuhan ng COVID-19 umusad na

Kamara

INAPRUBAHAN na ng Kamara de Representantes ang panukalang P1.3 trilyong Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy (ARISE) upang tulungan umano ang mga naapektuhan ng coronavirus disease 2019.

Posibleng aprubahan na rin ang House bill 6815 sa ikatlong pagbasa sa isasagawang extended session sa Huwebes, ang huling sesyon ng Kamara bago ito mag-adjourn.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na ilipat ang travel at forced savings ng gobyerno sa mga proyektong may kaugnayan sa COVID-19.

Pinapalawig din ng panukala ang validity ng 2019 at 2020 national budget hanggang 2021.

May inilalaan ding P10 bilyon ang panukala para makapagsagawa ng malawakang COVID-19 testing.

May probisyon din ito para tulungan ang mga maliliit na negosyante para hindi magsara at magbawas ng empleyado ang mga ito.

Read more...