MAGPAPATUPAD ng ‘No Walk-in” policy ang Office of the Ombudsman para sa mga kumukuha ng clearance.
Sa ipinalabas na advisory, sinabi ng Ombudsman na ang polisiya ay kabilang sa alternative work arrangement na ipinatutupad nito sa ilalim ng General Community Quarantine.
“To avail of the Clearance Service, applicants must file their applications online via our website www.ombudsman.gov.ph (Key Services). The release of clearances will be made via mail or courier, and there will be no personal pick-up of clearances.”
Suspendido naman ang Request for Assistance function ng Public Assistance Bureau (PAB) at Public Assistance and Corruption Prevention Bureaus (PACPB).
Ang tanggapan ng Ombudsman sa Quezon City ay bukas mula 9 ng umaga hanggang 3 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes para tumanggap ng pleadings at iba pang dokumento.
Ang mga reklamo ay maaaring inihain online sa website ng Ombudsman (ombudsman.gov.ph)
“These policies are being adopted to protect the transacting public and the skeletal workforce of the Office of the Ombudsman.”