3 huli sa P105K shabu

ARESTADO ang isang babae at dalawang lalaki at nasamsam ang P105,000 halaga ng shabu sa operasyon sa Quezon City kaninang umaga.

Kinilala ang mga suspek na sina Amelia Cruz, 46, ng Taguig City, Arjay Cruz, 32, ng Mandaluyong City at Jomar Casupanan, 34, ng Brgy. Socorro, Cubao.

Nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya ala-1 ng umaga sa 21st Ave. malapit sa kanto ng P. Tuazon Blvd., Brgy. Tagumpay. Nakabili umano ang poseur buyer ng P2,000 halaga ng shabu.

Nang maaresto ay nakuhanan pa umano ang mga suspek ng 30 gramo ng shabu.

Read more...