Alex iniyakan nang bonggang-bongga ang ex-BF na nag-asawa rin ng artista

ALEX GONZAGA

BEFORE Mikee Morada ay nagkaroon pala ng serious relationship itong si Alex Gonzaga.

Naloka kami sa nalaman naming sobrang na-depress si Alex nang makipaghiwalay ang kanyang boyfriend na isang city administrator na ngayon sa isang lungsod.

They were boyfriend and girlfriend when Alex was in college.  Alam sa campus ang kanilang romance and they were a picture of a perfect couple then.

Ang tagal din daw ng relasyon ni Alex sa boyfriend niyang ito and she was devastated nang hiwalayan siya ng kanyang boyfriend.  Super cry me a river raw talaga ang younger sister ni Toni Gonzaga.

Now, married na ang ex-boyfriend ni Alex. Isang artista rin ang kanyang napangasawa.

* * *

Na-bash si Lolit Solis dahil sa kanyang hanash sa kanyang Instagram account.

“Bukas (ngayong araw), Lunes uli ang hearing ng case sa franchise ng ABS CBN Salve. Tuwing napapanuod ko iyon Kapamilya Forever talagang blinded ako sa star power ng theme song ng Kapamilya. 

“Lahat talaga ng malaking stars ng showbiz, bigtime singers, nanduon. Kung ako siguro, iyon ipapakita kong video sa hearing para makita kung gaano karami ang stars at singers ng istasyon.

“Pero iyon na nga, hindi naman puwede gamitin sa argumento iyon mga artista at singers, iyon facts ang pag uusapan, iyon mga bagay kung bakit nangyari ang shutdown. Sana nga maipaliwanag ng husto ni Solgen Calida ang issues, sana nga masagot ng Chanel 2, sana nga maging fair ang lahat, sana manaig ang justice.

“Tomorrow is the day of reckoning, watch tayo and see who and what will win. Tignan natin ang facts. Tignan natin kung sino ang tama.”

‘Yan ang hanash ni Aling Lolit which was met with sarcasm mula sa netizens.

“Lolit should not comment on ABS franchise. She has artists working for ABS and GMA. Whether she is pro or anti for renewal, meron at meron di matutuwa sa mga statements niya kaya manahimik na lang siya.”

“Mga laos na ang mga artista mo ating…magpahinga kanarin…oh..wag lumabas..bawal ang senior sa labas…”

“Wag kana maki sawsaw lolit sa problema ns ABS CBN expired franchise na sila at over 50 yrs na sila nag ooperate may batas tayo na dapat sundin. Managimik ka nlang lolit lagi ka nlang nakiki sawsaw sa mga issue.”

Read more...